Thursday, January 22, 2009

Remembering Daddy


It's been some time since Daddy passed away but its only now that I'm really putting my thoughts into words about his dying.

Unang-una, masakit na masakit pa rin. Everytime I recall Teensy's phone call, the hurt and the anger and the loss moments after the news, all come back in a quick rush and never fails to bring tears to my eyes. I used to tell a colleague who had an elderly mother to prepare herself for when her mother's time comes, and yet, I myself was not ready to see Dad go.

The suddenness of it was the hardest to accept specially since I didn't have the chance to be constantly at Dad's bedside. I also felt burdened in that I didn't get the chance to take care of Daddy as the rest of you did. Mommy,sobrang sorry for that. The one night I was assigned with Chito, I even fell asleep and Dad pulled at his IV resulting in his hand swelling. Palpak man, I take comfort in the fact that I was the last person he conversed with, in what little did we all know, but true to Dad's character, was his way of saying goodbye. For that is one of my favorite stories I heard from you. Na sa iba't-ibang pagkakataon sa ospital, ay kinamusta niya isa-isa tayong magkakapatid pati na ang mga apo. E dahil wala nga ako, ako tuloy ang nahuli. Madaling araw nang dumilat siya at tumingin sa akin. Tinanong niya agad kung nakabili na kami ng mga gamit (sa Soler), at kung saang sasakyan namin ikinarga ang mga napamili namin. Pagkatapos noon, sunod siyang dumilat nang kinukunan ko siya ng litrato, umaga na. Tumingin pa siya ulit. That was Sunday, May 25 at 7:38 a.m.

The next time I saw him, I was with Nai and my in-laws. That was a Tuesday.Dahil nga wala ako palagi sa tabi niya, parang biglang-bigla ay malala na siya. Hindi ko talaga mapigil iyong pagtulo ng luha lalo na nang nililinis ni Teensy iyong dumi niya na itim na itim sa kasamang dugo. Pero hindi pa rin tayo nag-isip ng grabe dahil nga ang ginagamot sa kaniya ay iyong infection di ba?

Friday, naka-schedule akong magbantay ulit pero, hindi ko na maalala kung bakit, nakipag-palit ako na Sabado na lang. E iyon na nga iyong schedule niya ng endoscopy at alam na nga natin ang nangyari pagkatapos noon. Wala tuloy ako noong mga huling sandali ng daddy. Pero iyong mga oras mula pag-alis ng ospital, ng paghihintay sa bahay, iyong nadarama mong kawalan para sa mommy, ang pagdalaw ni Auntie Cely, ang pag-hatid ng kanyang mga labi sa bahay, at pagdating ni Ate, Auntie Mely at Ate Evelyn ay pirmihan nang nakaukit sa isip ko.

Noong Pasko, mabigat, dahil alam nga natin kung gaano siya kasaya sa okasyong iyon. (Caca, i-post mo naman iyong binasa mo para sa Daddy.) Ngayon nga ang pilit kong inaalala tungkol sa daddy ay iyong mga masasayang sandali na kasama natin siya.

Noong bata pa si Miguel, tinanong niya sa amin minsan na kaya daw ba kami pumupunta ng Cavite ay dahil "hihingi kami ng food kay Lolo?" Kasi naman basta pauwi na kami para kaming namalengke sa mga pabaon ng Daddy. E ganoon nga siya ka genoroso hindi ba?

Hindi ko rin malilimutan iyong higpit ng yakap niya nang umuwi ako galing mag-simba ng Linggo at sinalubong nila ng Mommy sa aking ang balita ng pag-pasa ko sa Chemistry Board Exam.

Marami akong magandang mga ala-ala. I hope you will add your own contributions to these precious memories with Dad because in so doing we will keep Daddy alive in our hearts as long as we live, and maybe help remind ourselves that for someone who loved all of us so, it is not impossible that he is still with us, watching and caring for us in a different way.

  • All the  male apos were called Handsome, but I am specially fond of his name for Miguel - Megi
  • Asus, sobrang generous, nung 70th birthday niya, siya pa ang nagregalo sa atin. At tuwing profit sharing, kasama pa rin tayo.
  • Sobrang galing din, and a dad really to be proud of, dahil talaga namang mala-taipan sa productivity even for his age at the time of his passing, na bagong luklok lang as vice-president
  • During the wake, talagang lahat ng nakiramay ay may mabuti at magandang salita patungkol sa Daddy
  • Napalo ako kasi nabasag ko iyong TV set natin.
  • Marami siya talagang kaibigan, mula kaklase, tennis, mahjong, PTC-PhilTrust, Fatima at iyong original na mga taga-Binakayan

No comments: