Sunday, May 06, 2018

Mom's 90th Birthday Celebration



Magandang tanghali po sa kanilang lahat, at sa ngalan po ng aking mga kapatid, ay maraming maraming salamat sa inyong pagdalo dito sa ika-siyam na pung kaarawan ng mommy.

All of us here are of course close family and friend of Mommy, at dahil dito, sigurado akong kilala ninyo siya. Pero dahil na-atasan akong magsalita ngayon ng aking mga kapatid, hayaan ninyong ipakilala sa inyo ang marahil ay mga natatagong niyang katangian at ugali.

Mom loves reading. A trait I think she inherited from my grandfather. Her old Penguin pocketbooks were my introduction to Agatha Christie and Ellery Queen. Subscriber din po sila ng daddy sa Reader’s Digest, Newsweek at Time. Lahat po kaming magkakapatid ay namana ang hilig sa pagbabasa sa Mommy’t Daddy.

Ang mommy po ay nagtapos ng MS degree sa Pharmacy kahit hindi niya nagamit ito bilang propesyon. Sa dami ba naman naming ay minabuti na lang nilang mag-asawa na sa bahay na lang ang mommy. Pero nag-aral ng baking and cake-decorating ang mommy. Nag-pagawa sila ng karatolang We accept orders, cakes for all occasions. At talagang masarap po mag-bake ng cake ang mommy dahil may techniques siyang sinusunod palagi, kung ilang beses i-sift yung dry ingredients, yung pag cut and fold ng batter. Natikman na po ba ninyo ang butter cake niya? O yung chocolate icing o royal icing ng wedding cake niya? Ang bunso ko ngang si Gabriel, hindi pa nalilimutan iyong dalawang birthday cakes na ginawa para sa kanya ni Lola noong nag 7th birthday party siya 9 years ago and she was 81 years old then. Hanggang ngayon, kung may okasyon, hindi nawawala ang kanyang banana muffins, pati na rin leche flan, at buko salad na packed para sa individual servings.

Ang isa rin pong hilig ng mommy ay Gardening. Naaalala ko pa ang maliit na greenhouse namin noon na punong puno ng mga Dendrobium at Vanda. Sa mommy ko rin nakuha ang pagkilala sa mga halaman sa kanilang scientific names: aglonoema, dieffenbachia, ficus, croton at iba pa. Hanggang ngayon po, nag-gagarden pa siya, kahit kinakabahan na tuloy kaming magkakapatid, dahil siyempre, mahina na ang tuhod niya.

At ito, pinapasabi ni Teensy: tuwing birthday ay mayroon silang bagong damit na tinahi ng Mommy.

Sa parenting naman, ewan ko lang kung dahil, nasa dulo na ako, pero wala akong maalala na nagsermon ang mommy, come to think of it, kahit daddy ganoon din. Iyong style ba nila ay parang parenting by osmosis. Naaabsorb na lang namin kahit hindi sinasabihan. Isa lang nga ang narinig kong rule sa mga kapatid ko eh. Walang magbo-boyfriend hangga’t hindi tapos ng college. Tama ba girls? Kidding aside, mostly mom and dad set what they wanted to teach us by being good examples in how they lived their lives. Wala akong matandaang time na nag-away sila (or at least sa harap namin). And they were very supportive in the decisions we made, from our courses in college, school or even choice of spouses. Sa mga kasal nga namin, never siyang umiyak, dahil para sa kanya happy moment iyon.) Ganoon siguro sila kasi they entrusted everything to God. I think, we turned out all right because of it. Actually noong naparangalan ang daddy ng Gintong Ama, sa aking palagay ay hindi niya iyon makakamit, kung wala siyang katuwang na Gintong Ina. So Congratulations and thank you mommy. Hindi ka lang Gintong Ina, kundi Gintong Lola pa rin.

Sa mga apo po kasi, full bloom ang mommy’t daddy. Mommy is a very loving and ideal grandmother. She made it a point to be there at the birth of eac
h of the fourteen grandchildren. Siya rin ang unang nagpaligo sa bawat isang apo. My firstborn Miguel, in fact has to thank his lola for her lucky advice. 1 When Miguel was brought to us in the hospital, there was a fold in his upper ear. When we asked the nurse about it she answered that it sometimes happens. But what Mommy did was take a wad of cotton, roll it up, and placed it inside the lobe of Miguel’s ear and fastened it in place with plaster. Kaya Miguel, pasalamat ka, kundi dahil kay Lola, baluktot ang tenga mo.

Finally, alam niyo naman pong lahat na talaga madasalin at malapit sa Diyos (at mga pari) ang mommy. Mula sa CFM, Marriage Encounter at Enrichment, parish council activities, at lately nga po ay ang pagiging Mother Butler, ito na siguro ang sikreto ng mommy, kaya’t 90 years old na siya ay talaga namang go go go pa siya. Mas makulit na nga lang po, at paminsan minsan may laugh out loud moments sa hina ng kanyang pandinig, pero we all love you very very much mommy, and thank God for giving us to you. Happy 90th Birthday, and we bless each day we have with you.